
Dalawang taingaʼy nais nang takpan
Bunga ng maingay na paligid.
Mundong mapanghusga,
Gusto ko nang takbuhan.
Ngunit,
Saan naman ako pupunta?
Sa mundong ako ang may-gawa
Kaya’t bawat detalye’y kontrolado ko.
Tipong walang mangingialam sa akin,
Walang puputol sa kaligayahang nadarama
At alam ko ang daang dapat na tahakin at sundan.
Dito ko ba matatagpuan
Kasiyahang nais makamtam?
Masaya ba ang buhay pagganon?
O sadyang takot lang ako sa reyalidad.
Baʼt `di ko ito kayang tingnan?
Reyalidad na aking ginagalawan.
Tanaw sa kabilang ibayo nito,
Katotohanang para lang sa akin.
Doon ko nalaman ang totoo
Kaya itoʼy aking tiningnan.
Naroon ang lumbay
Ngunit, sa destinasyong iyon,
Pagsapit ng tamang panahon,
Naroroon din ang tagumpay.
At sa oras ding `yon,
Kung saan paligid ay tahimik,
Mayroon akong napagtanto —
Marapat lang na akoʼy manatili,
Mag-tiwala sa aking sarili.
Laging isapusoʼt isaisip,
“Kung ula’y bubuhos,
Magkakabahag-hari.”