Dalawang linggo na ang nakararaan, sa isang balitang napanood ko sa telebisyon, naalala ko pa nung sinabi ni Salvador Panelo sa presscon na hindi naman kailangan mag-impose ng Pilipinas ng travel ban sa mga Chinese. Sabi pa niya, kailangan lang nating palakasin ang ating immune system upang maging ligtas sa sakit.
Sinunod ko naman siya dahil masugid nga akong tagahanga ng Pangulo. Naniniwala ako sa ideolohiya niya simula’t sapul nang siya’y tumakbo sa pagka-Presidente ng Pilipinas. Dahil nga sa masunurin ako, sinunod ko ang mga paalala niya. Pero bakit…
Bakit Tatay Digong?
Bakit andito ako ngayon sa ospital? Nakaratay. Nagpositibo sa Covid.