Ika’y Isang Tula

(Larawan mula Tracy Turnbull)

Ika’y isang tula.
Dulo mo ma’y di “tugma”
At “sukat” mo’y ‘di nakapagdadala
ng pambihirang saliw,
‘Di pagsasawaang basahin
Nang mapakinggan ang himig
mong nalilikha.

Ika’y isang tula.
Taglay mo’y ‘di mabilang
na “saknong”
At magkakaibang “taludtod”
na may iba’t ibang kahuluga’t
kaisipan, ngunit
‘Di pagsasawaang tuklasi’t
galugarin nang ika’y buong
pusong maunawaan.

Ika’y isang tula.
At ikaw mismo ang “paksa”.
Misteryong ‘yong taglay sa bawat
linyang aking nababasa’y ‘di
pagsasawaang paglaan
ng oras at panahon
upang mapagnilayan
ng isip, puso’t kaluluwa.

Ika’y isang tula
Na ‘di ko pagsasawaang
basahin, unawain, at
mahalin.

Published by Rodolfo Dacleson II

I love creating sports content, especially blogs. I cover and write different sports, not limited to basketball, volleyball, football, and esports. Since junior high school, I dream of becoming of sports writer or at least someone writing sports articles for a media company. To share with you, I've achieved that dream. I'm determined to up my sports writing but you can also expect me to publish content other than my favorite category in this blog site.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started