
Sino si Paraluman?
Oo!
Ikaw si Paraluman.
Ika’y likha ni Bathala na
kay gandang pagmasdan
sa tuwina.
Oo!
Ikaw si Paraluman.
Ika’y sining na siyang inspirasyon
ko sa pagsulat ng tula ‘pagkat
nakakaakit ang ‘yong
simpleng kariktan.
Oo!
Ikaw si Paraluman.
Ika’y karapat-dapat pag-alayan
ng tulang iaakda ‘pagkat pagkatao
mo’y kamangha-mangha.
Oo!
Ikaw si Paraluman.
Ika’y dibuho ni Bathala na
marapat lang respetuhi’t
gawan ng tula mula pa
sa kaibuturan ng
aking kaluluwa.
Oo! Ikaw nga.
Ikaw nga si Paraluman.