Kapag umuulan, may
mga alaalang
bumabalik
sa ating isipan.
Maaaring
kuwento tungkol
sa kaligayahan
O ‘di kaya’y
kalungkutan.
Memorya sa kung
paano kayo
nagtatampisaw
sa gitna ng bukirin
ng iyong kapatid
o mga kaibigan.
Halakhakan
kasabay nang pagkabasa
ng inyong musmos
na katawan.
Tila kasiyahang
walang katapusan
gaya ng ulang
tuloy lang sa
pagbugso.
Ngunit,
ang ulan ay
‘di lang tungkol
sa walang hanggang
kasiyahan kundi
pagdadalamhati,
pagkadurog
o pamamaalam din.
Kasabay ng bawat patak
ay ang pag-agos ng
luha mo matapos
niyang ihayag
sa’yo na dito na
nagtatapos
ang inyong
nasimulang
kwento.
Kaya tuwing umuulan,
ika’y bigla na lang luluha
sa iyong kinatatayuan.
Gayunpaman,
galak o pighati man
ang dala ng ulan
sa’yo, ‘di maipagkakailang
nanaisin mong sumabay
sa saliw niyang
nagbibigay-buhay
sa kahulugan mo
bilang likha
ng Maykapal.
Magpabasa
upang sariwain
kung ano na
ang nakalipas.
At maging simula
sa kung ano’y
parating pa
lamang.
Mga Pinagkunan ng Larawan:



