Habang Lumalaki Ka

(Larawan mula society6)

Habang lumalaki ka,
gumugulo’t hindi
nagiging malinaw
ang mundo’t
reyalidad na minsan
mo nang itinuring
na paraiso.

Habang lumalaki ka,
doon mo napagtantong
kay daming katotohanan
na pawang sangkap
lamang upang
ika’y ilayo
sa kung ano ba
talaga ang mundong
iyong kinamulatan
at kinalakihan.

Sa paglago mo
bilang tao,
doon mo mas
nauunawaan
ang tama’t mali
sa kung anong
pagkakaiba ng mga ito
ngunit kapalit naman nito’y
ang pagtantsa at pagpili.
Nais mong piliin
ang panig ng
kabutihan
ngunit sadyang
nalulong ka na
sa kung anong
nakagisnan
kaya’t
paulit-ulit mong
ginagawa ang
kabaligtaran.

Sa pagyabong mo’t
pagbuka tulad
ng talulot ng
kay rikit na bulaklak,
doon mo madarama
ang sakit na dulot ng mundo
sa lahat ng aspeto
ng iyong buhay.
Aminin mo man
o hindi, kailanma’y
‘di mo maipagkakailang
ika’y napuruhan
at nasugutan
nang malalim ng
reyalidad na sumasalubong
sa’yo sa bawat pagsikat
ng umaga.

Ngunit,
heto ang
iyong pakakatandaan:

Kay daming katotohanan
na malalaman
ngunit marapat lang
ito’y harapin
at tanggapin
ng buong puso
‘pagkat ganito ang buhay
kasi nga lumalaki ka na;

Dinggin mo
ang himig ng’ yong puso
habang ginagamit
ang isipang biniyaya
sa’yo ni Bathala.
Huwag lang
maging makasarili
at isipin din ang kapwa.
Magpakatotoo, magpakabuti,
at magpakatao lalo na’t
lumalaki ka na;

At puno man ng pait
ang mundo’t buhay,
Kay dami mang
bagyo na
sayo’y mananalanta;
laging itatak sa isipan
na hangga’t sumisikat
si Haring Araw,
may pag-asang darating
at iihip ang hanging
tagapagdala ng simoy
na sayo’y gigising
at magpapabangon
dahil ang katapusan
na iyong hinaharap
ay mitsa pala ng
panibagong simula.

Habang lumalaki ka,
doon mas lumilinaw
ang lahat.
Doon mo nararanasan
ang totoong mundo
na ipinaglihi
sa ligaya’t kalungkutan.
Doon mo higit na
makikilala
at maitatag
ang iyong sarili
kaya’t magpatuloy ka lang
sa paglalakbay kahit
magulo’t malabo man
ang reyalidad
kasi nga lumalaki ka na
bilang tao.

Published by Rodolfo Dacleson II

I love creating sports content, especially blogs. I cover and write different sports, not limited to basketball, volleyball, football, and esports. Since junior high school, I dream of becoming of sports writer or at least someone writing sports articles for a media company. To share with you, I've achieved that dream. I'm determined to up my sports writing but you can also expect me to publish content other than my favorite category in this blog site.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started