
Mahal,
‘di man tayo
magkapiling
o magkalapit
sa isa’t isa bunga
ng mapaglarong
tadhana; pangako
‘di ako magsasawang
ika’y hintayin, balik-balikan
at higit sa lahat,
buong pusong mahalin.
Sa dami ng bituin,
ikaw ang nagningning at
siyang pumakaw sa paningin.
Sa karagatan
ng’ di mabilang na tao,
ikaw ang nangibabaw
at siyang pinili ko.
Sa paglalakbay,
ikaw ang naging kaagapay,
naging gabay
at naging karamay
sa anumang hapdi’t kirot
na handog nitong mundo.
Mahal,
Ito’y iyong pakakatandaan,
‘di ako magsasawa
na ika’y hintayin.
Hinding-hindi
mababagot sa pag-aantay
sa lugar kung sa’n tayo
pinagtagpo ng kalawakan.
Higit sa lahat, palaging
ikaw lang ang namumukod-tangi
sa puso’ t isip kong ikaw lang
ang tinatangi.
Oh sinta! oh irog ko!
Ikaw at ikaw lang
ang aking itatangi.