Baliktanaw

BEGINNINGS AND TRANSISTIONS: Janus (Photo taken from Red Bubble via Pinterest)

Kumusta ka?

Nawa’y nasa maayos kang  kalagayan,
Walang bumabagabag sa iyong isipan.
Puso mo’y puno ng kagalakan,
Kahit kay daming pagsubok na pinagdaanan.

Kumusta ka?

Matatapos na ang taon,
Ano ba ang iyong nabaon?
Sa hinaba-haba ng prusisyon,
Na ika’y hiningal,
nauhaw, nagutom,
Naubusan ng pasensiya,
nagalit at sa huli’y humingi ng paumanhin
Sa pagkakamaling nagawa,
Nakaabot ka pa rin sa hangganan.
Hangganang ayaw mo pang patunguhan,
Dahil sa’yong palagay,
Kulang pa ang kaligayahang naramdaman.
Mas higit pa ang hirap kaysa sarap
Sapagkat kay daming pagkakatong nawala.
Kalungkuta’y naging kaibigan.
Itinago ang sarili sa liwanag
Dahil panganib, doo’y nagkukubli.

Kaya’t sa ikatlong pagkakataon,
Tatanungin kita muli…

Kumusta ka?

Alam kong alam mo
Na hindi tulad ng inaasahan,
2020’y tila naging pasakit,
Hindi lamang sayo
O sa pamilya mo
Kundi sa ating lahat
Na nanatiling matatag
Matapos ang hindi mabilang na unos
Na sa ati’y humamon at halos magpasuko.

May karapatan kang magreklamo.
May karapatan kang magalit.
May karapatan kang sabihin ang iyong damdamin.
May karapatan kang ilabas ang lahat ng sama ng loob…
Dahil ikaw, ay tao lang.

May pakiramdam at dapat lang makaramdam.

Kumusta ka?

Marahil,
Naging mabigat para sa’yo ang taong lilisan.

Pero…
Huwag mo sanang kalimutan
Na sa kabila ng maraming hamon…
Hindi ka sumuko, bagkus nagpatuloy sa buhay,
Lumuha ka pero muli kang ngumiti,
Natisod ka ngunit ika’y tumayo’t naging mas matatag,
At higit sa lahat,
Humigpit pa ang iyong pananalig,
Pananalampalataya sa pag-asa.

Kaya naman…

‘Di man naging maganda ang taon na ito para sa’yo,
Huwag kang mag-alala,
Parating na ang bagong umaga.
Umagang sayo’y magpapaalala na,
May panibagong pagkakataon.

Published by Rodolfo Dacleson II

I love creating sports content, especially blogs. I cover and write different sports, not limited to basketball, volleyball, football, and esports. Since junior high school, I dream of becoming of sports writer or at least someone writing sports articles for a media company. To share with you, I've achieved that dream. I'm determined to up my sports writing but you can also expect me to publish content other than my favorite category in this blog site.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started