
Sa panahon ng ligalig na puno ng pait at sakit, poot ay pumalahaw sa kalangitan.
Sa panahong talamak ang kawalang katarunungan, mas lalo pang umiral ang mga argumentong wala sa katwiran.
Mga ideyang baluktot sapagkat hinugot mula sa galit na nagkukubli sa dibdib. Nawawala sa ulirat ang katauhan dahil pilit na ipinapasok sa isip ang gutom na makapaghiganti.
Hindi lang dahil sa krimen, korupsiyon, kahirapan at iba pang uri ng marhinalisasyon, opresyon at hindi pagkakapantay-pantay namamatay ang hustisya kundi pati na rin sa pag-aakalang “ang kapalit ng buhay ay isa ring buhay”.