Bilang pakikiisa ko sa Buwan ng Wika ngayong 2020, ako ay magsusulat ng samot-saring akda na magbabahagi ng aking mga naging karanasan upang mas malinang, mas makilala at mas mahalin pa ang wikang Filipino. Paraan ko rin ito upang maipakilala pa ang wikang pambansa ng Pilipinas sa buong mundo.