“Buo ang loob, sira ang tuktok.”
Tag Archives: #Tanaga
Bulol at Pipi
“Daig pa ng bulol ang mga taong diretso magsalita sapagkat pilipit ang kanilang dila sa pagkukwento ng katotohanan.”
Bulag
“Sila na itong nakakakita, sila pa ang pilit na ito’y pinasisinungalingan.”
Eko
Mas nakakatakot pa sa kamatayan ang pagkabura sa isipan ng kapwa kahit ika’y nabubuhay pa talaga.
Traydor
Kung hindi ka sa gutom mamatay, tiyak sa sakit ikaw nama’y may paglalagyan.
Nars
Kapalit nang pagsasakripisyo alang-alang sa bayang pinagsisilbihan ay hangganan — kamatayan.
Hawla
Kailan kaya makakalaya mula sa rimarim ng kalungkutang hatid ng hawlang sa akin ay pumipiit.
Kawayan
Babangon ang Pilipino, ilang unos man ang dumating sa bayang kumanlong sa kanyang pagkatao.
Balik-tanaw
Anong oras na?
Dasal
Alay na dasal upang hiling ay matupad.