Danas Dalita sa Lipunang Pilipino

Kailan `Di Pasisilaw at Maninikluhod sa Salapi (Sining ni Marko Bello)

Kailan?

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Kailan pa aalisin ang pagkakatakip ng dalawang kamay sa dalawa ring tainga?
Kailan pa huhubarin ang piring sa mga durungawan ng kaluluwa?
Kailan pa tatanggalin ang busal sa bibig?

Hanggang kailan mo itatanong sa iyong sarili ang mga tanong na ito?

Kailan ba dapat makinig?
Kailan ba dapat mamulat?
Kailan ba dapat magsalita?

Hanggang kailan ba dapat magpanggap na pipi, magbulag-bulagan at magbingi-bingihan?

Kung kailan sinukuan na tayo ni Inang Bayan?

Kaya uulitin ko lang,
Kung hindi ngayon, kailan pa?


Tadhana

Karapatang makakapangyarihan
Edukasyong makamayaman,
Kawalang kataranungan,
Talamak na kagutuman,
At samot-sari pang danas walang pagkakapantay-pantay
Tumutubo’t yumayabong sa bayan kong sinilangan.

Nanaisin mo pa rin bang mabuhay?
Kung lipunang ‘yong kalalakihaʼy
Itinakda na ang ‘yong tadhana
Na isilang na mahirap
At mamatay ding dukha.

Krista ni Pablo Baen Santos

Karuwagan


Comprador ni Pablo Baen Santos

Likhing sining na sumasalamin sa paghihirap ng marami upang mabuhay sa araw-araw ngunit may isang nakaupo na makapangyarihan at may pera upang silaʼy kontrolin.

(Pinagkunan ng Larawan: Medium)


Hanggaʼt walang
sumusubok magsalita
O gamitin ang panulat
upang magsiwalat,
Maraming kwento,
danas at sentimyentong
ʼdi mailalahad,
Na tuluyang maibabaon sa limot
At kailanmaʼy ‘di maitatala sa kasaysayan.

Karahasan, pang-aapi, korapsyon,
At iba pang isyung panlipunang
Karapat-dapat pagtuunang
pansiʼt tuligsaiʼy
Hindi mailalathala sa pahayagan,
Hindi maipalalabas sa dyaryo,
Ni mapagtsitsismisan man lang
ʼPagkat tila apoy itong aapulahin,
Bulang puputukiʼt
Perang wawaldasin sa sigarilyoʼt alak
Ng sa mga itoʼy nakikinabang.

ʼWag nang magtaka
Kung itoʼy hindi maikwento,
Maisalaysay sa husgado
At marinig ng sambayanang Pilipino
Dahil walang umiimik,
Walang naglalakas-loob,
Walang handang makibaka,
At walang balak lumihis
sa landas na sinusundan
Sapagkat kamatayaʼt
pananahimik habambuhay
ang naghihintay.

Sakripisyo?
ʼDi `to uso rito.
Simula’t sapul kasiʼy walang 
magtutulak saʼyong magpatuloy.


Layang Binebenta

Bakit walang hustisya sa Pilipinas?
‘Pagkat ‘di na nauusig ang konsensya
Ng habag at prinsipyo ng batas.
Demokrasya’y pinaluluhod sa salapi,
Kaya’t mga tunay na kalaban ng estado’y nagbubunyi.

Tayo’y may kapansanan;
Tila mga bulag, pipi, bingi at manhid
sa totoong mukha nang
nagpapanggap na lipunan,
Na paulit-ulit tayong sinusubuan
ng bulok na sistemang nanlilimahid.

Sisilip pa kaya ang katotohanan?
Marahil at hindi na.
Dahil hindi na kilala
Ng hustisya
ang kanyang sarili
At siya’y natuto
Nang magsinungaling.

Huwad na Kalayaan, Pagtapak sa Katarungan (Dibuho mula Philstar)

Published by Rodolfo Dacleson II

I love creating sports content, especially blogs. I cover and write different sports, not limited to basketball, volleyball, football, and esports. Since junior high school, I dream of becoming of sports writer or at least someone writing sports articles for a media company. To share with you, I've achieved that dream. I'm determined to up my sports writing but you can also expect me to publish content other than my favorite category in this blog site.

4 thoughts on “Danas Dalita sa Lipunang Pilipino

Leave a reply to Nayeairol Cancel reply

Design a site like this with WordPress.com
Get started